84

Mar 1, 2021 @ 13:42
By

Bea Alonzo, Ian Veneracion nag-date

Lumitaw si Ian Veneracion sa latest vlog ni Bea Alonzo kung saan nag-dinner date ang dalawa.


“So, I had dinner with this guy, and I decided to film it. Buti na lang I did, because now, I can finally share with you how much fun I have whenever I would hang out with him. We always have the most interesting conversations,” saad niya sa description ng kanyang vlog.

Nagpalitan naman ng love at career advice ang dalawang dating magkatrabaho.

Bukod dito, pinayuhan ng aktor si Alonzo hinggil sa self-love.

“Actually, alam mo yun ang pinaka ina-admire ko sa’yo, [yung] pagiging tatay,” wika ni Alonzo.

“[Ang] reference mo point mo dapat sarili mo,” sambit ni Veneracion nang tanungin kung tinuturuan ba niya ang mga anak niya na maging conscious sa sarili.

“Kung titingnan mo yung mga sexy you’d be insecure about your body,” pagpapatuloy ng aktor.

Sumang-ayon naman dito si Alonzo at sinabing ang mas kilalanin pa ang sarili niya ang kanyang New Year’s resolution ngayong 2021.

“Yun talaga ang New Year’s resolution ko, mas maging in touch with who I am.. with my thoughts.”

Kasalukuyang umabot na sa mahigit 653k views ang nakuha ng naturang vlog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?