ABANTE bea alonzo gerald anderson binabakuran
By

Bea Alonzo binabakuran ni Gerald kina Derek, Paulo

Sharing is caring!

LAST Thursday ang second shooting day ng bagong pelikula ng Star Cinema na Kasal, na pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Paulo Avelino at Bea Alonzo, sa direksyon ni Ruel Bayani.

Kasama rin sa movie si Vin Abrenica na isa sa mga artista ni Direk Ruel sa pinag-uusapan, trending at high-rating teleserye under his unit, ang Wildflower na pinagbibidahan naman ni Maja Salvador.

At sa pangalawang araw na ito ay dinalaw si Bea ng kanyang special someone na si Gerald Anderson, kaya naman may group picture silang lahat at photo together ang magdyowa na talaga namang sweet na sweet.

Hindi talaga maikakaila na magdyowa na sina Beat at Gerald sa glow na makikita sa kanilang mga mata habang magkasama sa set ng pelikula at sa mga litrato nila.

First time nina Bea at Paulo na magkakatrabaho sa pelikula, kaya exciting ang proyektong ito. Although, nagkasama na sila dati sa teleserye ng ABS-CBN.

Finally, magka-work naman na muli sina Bea at Derek, dahil naunsyami noon ang project nila nu’ng lumipat si Derek sa TV 5. Si Derek nga dapat ang ka-parter ni Bea sa The Mistress, na pinalitan ni John Lloyd Cruz. (France Simeon)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?