56

Apr 7, 2020 @ 13:23
By

BDO sa mga kliyente: Ingat sa mga scammer!

“Ang bangko, hinding-hindi hihingi ng impormasyon na magagamit para ma-access ang inyong account. Huwag ibibigay ang iyong User ID, Password, at OTP (One-Time PIN)!”

Ito ang paalala ng BDO Unibank sa kanilang mga kliyente ngayong panahon ng anti-coronavirus quarantine sa bansa.

Sa pamamagitan anila ang OTP, mabubuksan ng scammer–na magpapanggap bilang bank officer–ang online bank account ng biktima at mananakaw ang pinag-ipunang pera.

Makikipag-usap ang mga scammer via phone, text, e-mail, o maging social media at hihikayatin ang kanilang biktima na i-verify ang kanilang account o transaksiyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang personal information.

“COVID-19 did not stop scammers from doing what they do best; in fact, it has only fueled them to intensify their attacks,” wika ng BDO sa isang pahayag.

“BDO however, reiterates that for as long as clients do not share their personal information with anyone, including their OTPs when they bank online, they can beat scam attacks and protect their bank accounts,” sambit pa ng bangko.

Payo ng BDO sa mga kliyente na may mapapansing kakaibang aktibidad sa kanilang mobile device, hilingin ang telecommunication company na i-block ang kanilang SIM number at ipa-freeze ang kanilang bank account via customercare@bdo.com.ph o BDO Customer Care sa Messenger.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?