128

Mar 18, 2020 @ 11:15
By

BDO nagbigay-palugit sa mga customer

Nagbigay ang BDO Unibank, Inc. ng dagdag na 60 araw sa pagbabayad ng bayarin ng kanilang mga kustomer, sa gitna ng enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19 crisis.

Sinabi ng bangko sa Facebook ngayong Miyerkoles, Marso 18, na ang payment extension ay para sa kanilang mga kwalipikadong Credit Card, Auto, Home, SME, at Personal Loan customer na may mga due dute na hanggang Abril 15, 2020.

Asahan anila ang email at text message kaugnay sa isyu.

“We understand that the current situation makes it difficult, even impossible, for everyone to make their payments. We don’t want you to worry about this. We all need to focus on keeping ourselves and our loved ones safe,” wika ng BDO.

“We are in this together. Please be safe at all times,” ayon pa sa kompanya.

Hanggang Abril 13 epektibo ang enhanced community quarantine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?