64

Apr 16, 2020 @ 15:44
By

BDO: Mag-ingat sa account verification scam

Pinag-iingat ng BDO ang kanilang mga kliyente sa patuloy na pag-atake ng mga scammer sa kabila ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Isa umano sa madalas gamitin ng mga scammer na panlinlang ay ang pagkukuwaring bank personnel at hinihimok ang mga client na i-verify ang kanilang mga bank account sa pamamagitan ng link.

Kapag na-click ang link ay mapupunta ito sa isang website na kamukha ng official website ng banko, kung saan sa pekeng site ay susubukan nilang makakuha ng mga personal na impormasyon ukol sa client.

Kasama sa mga info na kukuhanin ay ang account numbers, credit card information, online banking login details tulad ng username at password, at One-Time PINs (OTP).

Ang mga nasabing impormasyon ay magagamit para magkaroon ng access ang mga scammer sa online bank account ng mga kliyente para manakaw ang kanilang mga pera.

“BDO Unibank reiterates that it will never ask their clients to verify their bank accounts. Legitimate bank officers, it says, will never reach out via SMS, call, email, or social media to ask for personal information for account validation,” saad ng banko.

Hinihimok naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas, kasama na ang iba pang bank, na gamitin ang online banking kaysa bumisita sa mga branch sa panahon ngayon ng efforts ng bansa na ma-flat ang curve sa COVID-19 pandemic.

Sa pamamagitan ng online banking, masasagawa ang social distancing at maiiwasan ang pakikisalamuha sa ibang taon

Sa BDO naman, kanilang inaaanyayahan ang kanilang mga kilyente na mag-enroll sa BDO Online Banking, kung saan mayroong how-to video sa kanilang Facebook page, at mga makakatulong na post sa Facebook at kanilang website para sa mga first time sa online banking.

Samantala, sa ilalim n #BDOAntiScam campaign, binibigyan ng bangko ang kanilang mga kliyente ng mga impormasyon para malabanan ang mga scammer at hindi mabiktima ng mga ito.

Kung sakali mang na-scam o may posibilidad na ma-scam, maaring i-email ang customercare@bdo.ph, o mag-message sa BDO Customer Care na may verified checkmark sa Facebook.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?