165

Jun 19, 2020 @ 23:03
By

BDO, BPI itinangging may kinalaman sa nawawalang $2.1B pondo ng Wirecard

Kapwa itinanggi ng BDO Unibank Inc. at Bank of the Philippine Islands (BPI) na may kinalaman sila sa nawawalang $2.1 bilyong pondo ng German payments provider Wirecard.

Ayon kay BDO president at CEO Nestor Tan, determinado silang malaman ang puno’t dulo ng isyu at kung sangkot ang kanilang staff sa paglalabas ng mga pekeng dokumento na nagsesertipika sa Wirecard funds na naka-“escrow” umano sa bangko.

Kinumpirma ng BDO at BPI na sila ang dalawang Asian bank na tinutukoy sa mga report na may hawak umano sa nawawalang 1.9 billion euros ($2.1 billion) ng Wirecard, na ni-red flagged ng Ernst and Young sa pagsasapinal ng kanilang 2019 annual report.

Sabi ng BDO at BPI, hindi nila kailanman naging kliyente ang Wirecard.

“I would like to emphasize that no funds passed through BDO as Wirecard has never been a client of BDO. We have no relationship whatsoever with Wirecard. We are not involved in their affairs,” giit ni Tan sa sulat sa mga BDO employee na nakuha ng Bilyonaryo.com.ph.

Paliwanag niya, ang isyu ay isang document fraud kung saan pineke ang mga dokumento at pirma ng mga BDO officer.

“Spurious documents confirming the existence of certain accounts were provided to Wirecard’s auditors. Ernst & Young. E&Y then confirmed with us the document which we immediately clarified as spurious,” dagdag niya.

“We are innocent victims in having our names used to fabricate the spurious documents. This was a case document fraud for auditing confirmation purposes. We are investigating the matter to determine whether certain of our employees may have been involved,” saad pa ni Tan.

Samantala, nag-iimbestiga na rin ang BPI sa isyu.

“Their external auditor (Ernst and Young) presented to us a document that claimed that they are a client. We have determined that the document is spurious. We continue to investigate this matter,” pahayag ng BPI.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?