46

Aug 16, 2021 @ 15:40
By

Bday girl nagpahanda sa mga laboy na aso, pusa sa Pangasinan

Imbes na siya ang tumanggap ng regalo, isang netizen ang nagbigay ng regalo sa mga palaboy na aso’t pusa sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang community ‘pawntry’ sa lansangan sa Dagupan, Pangasinan.

Ayon sa ulat ng GMA News, tinulungan ang birthday celebrant na si Vern Pascual ng kanyang mga kaibigan para i-set up ang naturang handaaan para sa mga aso’t pusa.

Nagpakalat din ng mga animal feeder at food tray ang magkakaibigan sa kalsada ng naturang probinsya kung saan maraming laboy na hayop.

Anang 30-anyos na celebrant, hiling niya sa kanyang kaarawan ang magkaroon ang kanilang lungsod ng animal shelter para sa mga hayop na walang sinisulungan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?