17

Nov 5, 2020 @ 15:44
By

BCDA-Malaysian firm agreement puno ng anomalya – De Lima

Hinikayat ni Senador Leila de Lima ang Kongreso na imbestigahan ang diumano’y iregularidad sa P8.51 sports facility project para sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games na aniya’y naging ‘disadvantageous’ sa gobyerno.

Sa Senate Resolution No. 555, layon nito na imbestigahan ang iregularidad sa Joint Venture Agreement (JVA) na pinasok ng Bases and Conversion Development Authority (BCDA) na pinamumunuan ng President at CEO Vivencio Dizon Malaysian construction firm na MTDA Capital Berhad para sa pagtatayo ng naturang sports facility.

“A thorough probe is warranted in the billions-peso project in order to understand the choices made by the BCDA that culminated in the deal which not only failed to comply with laws, but likewise cost the government significant public funds, considering that there are other arrangements that could promote better transparency, competitiveness, equity, efficiency and economy for the government infrastructure projects,” sabi ni De Lima sa resolusyon.

“Di birong halaga ito. Bilyon-bilyong piso na naman ng kaban ng bayan ang maaaring nalustay nang walang pakundangan. Anong akala nila sa buwis ng taumbayan, sarili nilang alkansya?!,” dagdag pa nito.

Nauna nang naghain ang Citrizens Crime Watch Association, sa pamumuno ni Diego Magpantay, ng kasong graft at malversation sa Office of the Ombudsman laban kay Dizon at iba pang opisya kaugnay ng diumano’y iregularidad na pinasok nito sa MTD para sa pagtataya ng nasabing pasilidad.

Sa 2019 audit report na ipinalabas noong Oktubre 1, sinabi ng Commission on Audit (COA) na nagbigay ng “unde advantage ang BCDA sa MTD Capital Berhad na siyang nanalo ng kontra para mag-develop ng pasilidad sa National Government Administrative Center (NGAC) ia New Clark City noong 2018.

Ayon sa nasabing COA report, unang nagkasundo ang BCDA at MTD Capital Berhad para sa pagtatayo ng mga gusali ng gobyerno, commercial center at residential housing sa total cost na P4.185 bilyon subalit kalauna’y nagkasundo na isama na sa proyekto ang pagtatayo ng sports facility sa halagang P8.51 bilyon.

“There is no parallelism between the two PPP frameworks, the differences between the two approaches make them impossible to combine in a single project, such as NGAC,” sabi sa report ng COA.

Sinabi pa ng state auditor na naging benta pa sa MTD Capital ang proyekto dahil sa halip na dumaan sa competitive bidding, nagkaroon lang na negosasyon sa ‘unsolicited proposal’ ang BCDA sa nasabing kumpanya para sa pagtatayo ng sport facility.

“It is incumbent upon the BCDA to justify the choice of developing the Sports Facilities under the Joint Venture which is contrary to Contract Review No. 068 issued by the OGCC on 30 January 2018 which said that, it is, as a rule, ‘subject to public bidding,’” din ni De Lima.

Binigyang-diin pa ng senador na dapa magbigay ang BCDA na full accounting at ipaliwanag kung bakit gumastos ang gobyerno ng P9.539 bilyon sa halip ng P8.51 bilyon para sa naturang proyekto.

“The BCDA is thus obliged to disclose the factors and circumstances that surrounded the negotiations that preceded the execution of the JVA now under scrutiny,” sabi ni De Lima.

“As public accountability demands, the BCDA must also justify why they opted to pay the joint venture within calendar year 2019,” dagdag pa ng senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?