1,157

Oct 22, 2021 @ 16:45
By

BBM: Wala akong troll

Iginiit ni dating senador Bongbong Marcos na wala siyang troll army. Ito ay matapos niyang manguna sa unofficial presidential survey sa Facebook.

“Wala akong troll. Hindi ako nagbu-boost (sa social media) dahil ang netizens, ang gagaling ng mga ‘yan, kita nila kaagad ‘yan eh. Alam naman nila kung hindi totoo, saan nanggaling,” lahad ni Marcos sa panayam ni Erwin Tulfo.

Binura na ng Rappler ang Oct. 7 Facebook poll nito matapos bahain ng “wow” reactions, na nagpapakita ng suporta kay Marcos.

Sabi ng Rappler matapos burahin ang Facebook poll na “it was not aligned with our objective.”

Dahil dito, tinawag ng mga Marcos supporter ang Rappler ng pagiging bias.

Para naman kay Marcos, dapat daw hindi ito binura ng Rappler dahil nagpapakita aniya ito ng pulso ng mga tao.

“Sana naman pinagpatuloy na nila dahil ‘yun naman ang katotohanan, hindi naman kasinungalingan ‘yung nagiging resulta,” saad ni Marcos. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?