69

Oct 7, 2021 @ 17:18
By

BBM sinuka kumalat na emergency alert

Itinanggi ni presidential aspirant at dating Senador Bongbong Marcos na may kinalaman ang kanyang kampo sa pagkalat ng emergency mobile alert na kumakampanya para sa kanya.

Sa panayam ng CNN Philippines ngayong Huwebes, sinabi ni Marcos na negatibo pa nga ang epekto ng emergency alerts sa kanyang kandidatura.

“Beyond illegality, if you didn’t think about it in political terms, this is of no advantage to me. This is a disadvantage to me. Why would I do such a thing?” wika ni Marcos.

Kinausap na rin daw niya ang kanyang team at wala umano sa mga ito ang may kinalaman sa pagkalat ng mobile alerts.

“Sabi ko, ‘bakit ako?’ I immediately asked, ‘I hope we have nothing to do with this. Tanong mo nga sa mga kasamahan natin. Ginawa ba nila ito? Dahil hindi tama ito,'” dugtong pa ng dating senador.

Noong Miyerkoles ay sinabi na rin ng kampo ni Marcos na maging ang dating senador ay nakatanggap ng parehong mobile alert.

Iniimbestigahan na rin ng National Telecommunications Commission ang pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?