422

Oct 24, 2021 @ 16:47
By

BBM-Sara tandem ‘di pa napag-usapan

Inilantad ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang ilang detalye sa naging pag-iiisap nila ni presidential aspirant Bongbong Marcos sa Cebu nitong Sabado.

Ayon sa presidential daughter, ang sentro ng kanilang pag-uusap ay kung paano matutulungan ng kanyang partido – Hugpong ng Pagbabago (HNP) – ang presidential bid ni Marcos sa susunod na taon.

“Ang amoa lang nga giistoryahan, nga sa pagkakaron is how HNP (Hugpong ng Pagbabago) in Davao Region can help his bid for the presidency,” pahayag ni Mayor Sara sa panayam ng mga media sa Cebu.

Hindi pa rin umano nila napag-uusapan ang posibilidad na magkaroon ng tambalang ‘BBM-Sara.’

“Wala pa’y istorya mahitungod niana,” wika pa ng alkalde.

Naging matunog ang tambalan ng dalawa matapos silang magkita at mag-usap sa nasabing lugar.

Gayunman, si Mayor Sara ay may nakahaing certificate of candidacy para muling tumakbong alkalde ng Davao City. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?