449

Mar 9, 2021 @ 16:14
By

BBM, Panelo, iba pang pambato ni Duterte, hindi dapat manalo sa 2022 – Trillanes

Gagawin ng oposisyon ang kanilang makakaya para mapatalsik sa Palasyo ang kasalukuyang administrasyon at hindi rin makapasok ang iba pang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Saad ni dating Senador Antonio Trillanes sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live, hindi na sorpresa ang pagtakbo ng ilang politiko tulad ni Bongbong Marcos.

Ngunit ang mahalaga aniya ay hindi makalusot ang mga ito sa halalan.

“Definitely we are assuming na tatakbo ‘yan si Senador Marcos kasi alam niyo, malaki-laki na rin ang pinupundar niya sa preparation na ‘yan, paano i-rebrand yung Marcos name,” ayon kay Trillanes.

“But sana naman hindi manalo itong mga ito… kasi ‘yan sila Bongbong Marcos, nandoon yan sa kampon nila Duterte, enablers ‘yan sila,” dagdag pa ng dating mambabatas.

Aniya pa, maganda rin na tinatawag nang ‘presidente’ ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Bong Go para mapatunayang ‘proxy vote’ ang taong 2022 para sa administrasyon.

Hindi rin kumbinsido si Trillanes sa napabalitang senatorial slate ng Pangulo, na kinabibilangan nina Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin, Presidential chief legal counsel Salvador Panelo, Labor Sec. Silvestre Bello III, Transportation Sec. Art Tugade at iba pa.

“Hindi okay yung mga yon na manalo at kakampanya talaga tayo to make sure na hindi manalo yang mga ‘yan,” lahad ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?