1,775

Feb 8, 2021 @ 15:01
By

BBM-Isko tandem sa 2022? Bongbong sumagot!

Nagsalita na si Bongbong Marcos sa mga haka-haka ng umano’y tandem nila ni Manila Mayor Isko Moreno sa 2022 national elections.

Ito’y matapos kumalat sa social media ang larawan nilang dalawa na magkatabi sa isang hapagkainan.

Paliwanag ni Bongbong, dinner lamang ang kanilang dinahulan ng alkalde at aniya’y kaibigan na niya si Moreno buhat pa noong ito’y teenager.

“Actually ‘yung lumabas sa social media, inimbitahan lang kami ng isang kaibigan para sa dinner dahil binuksan ‘yung restaurant niya,” saad ni BBM sa ‘Balitaan at Kumustahan’ ng Politiko Live.

Aniya pa, iyon ang unang pagkikita nila ni Moreno buhat nang manalo ito bilang mayor ng Maynila.

Nang masundot naman sa posibleng tambalan nila, sinabi ng dating senador na hindi pa nila napag-usapan ang naturang bagay.

“Hindi niya tinatanong sa’kin ang plano ko, hindi ko tinatanong sa kanya plano niya. Hindi pa panahon eh,” lahad ni Marcos.

“Kung magsabi siya na interasado siyang tatakbo, edi sige mag-usap kami… Tingnan natin what will happen in the next few months,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?