1,754

Oct 23, 2021 @ 8:46
By

BBM hindi graduate sa Oxford University

Naglabas ng pahayag ang isang grupo ng mga Pilipinong estudyante at miyembro ng Oxford Philippines Society para bigyang-diin na hindi nagtapos ng degree sa nabanggit na unibersidad si dating senador Bongbong Marcos.

Ayon sa Oxford Philippines Society, nag-aalala sila sa maling impormasyon na kumakalat tungkol sa nakamit na edukasyon ni Marcos.

Anila, mayroon lamang Special Diploma sa nasabing unibersidad si Marcos, na hindi katumbas ng degree.

“We, students with Filipino roots and members of the Oxford Philippines Society, are concerned with the continuing misinformation relating to the academic qualifications of Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos, Jr.

“Bongbong Marcos did not finish his Degree. This was officially confirmed by Oxford University in 2015. Bongbong Marcos has been awarded a Special Diploma in Social Studies in 1978. A Special Diploma is not a degree, and neither is it comparable, superior nor equivalent to one,” lahad ng grupo sa inilabas na pahayag sa Facebook.

“A Special Diploma is not a course of higher education leading to an undergraduate or first degree or even a master’s degree,” dagdag nito.

Sa isang pahayag, sinabi ni Marcos na: “I earned a diploma in political science at St. Edmund Hall, Oxford University in England in 1978.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?