36

Oct 7, 2021 @ 17:10
By

BBM-Go tandem wala sa radar ng Palasyo

Walang direktang sagot ang Malacañang kung may posibilidad na mag-tandem sina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Senador Bong Go sa 2022 elections.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi napag-uusapan sa Palasyo ang BBM-SBG tandem at wala ring nakakaalam kung sino ang susuportahang presidentiable ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Roque na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang gusto ng Pangulo sa pagka-presidente, dangan nga lamang at sinabi ng alkalde na hindi siya interesadong tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections.

“Sa ngayon po hindi ko po alam, kasi pareho kami ni Presidente that we are hoping that Sara will run for president,” ani Roque.

Wala namang pahayag ang tagapagsalita ng Palasyo sa sinabi ni Marcos na gusto sana nitong si Pangulong Duterte ang maka-tandem sa darating na eleksiyon.

Sinabi ni Roque na wala siyang alam kung ipinarating ba ito ni Marcos sa Pangulo o kung ikinonsidera ba ito ni Pangulong Duterte bago umatras sa nominasyon ng kanyang partidng PDP Laban.

“He may have wanted the President to become his running mate, but I have no information if this was relayed to the President and if the President ever considered it,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?