398

Oct 26, 2021 @ 20:34
By

BBM gagawing major logistics hub ang ‘Pinas

Isusulong ni dating senador Bongbong Marcos ang modernization ng mga pantalan at riles para maging isang major logistics hub ang Pilipinas.

Aniya, bentahe ng bansa ang strategic location nito sa Pacific.

“It’s time for us to leverage this and aspire to become a major logistics hub in the region,” pahayag niya.

“To achieve this we will need to modernize our existing seaports, airports, and railways or build new ones where necessary,” dagdag niya.

Aniya pa, ang lumalakas na mga e-commerce platform ang nagpapahiwatig na kailangang palakasin ang logistics capability ng Pilipinas.

“We need to adapt technologies deployed in other ports such as in Europe and even from our ASEAN neighbour, Singapore, to develop our own Smart ports,” saad niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?