525

Oct 23, 2021 @ 14:21
By

BBM, Bong Go nanguna sa Pahayag survey

Nanguna sina dating senador Bongbong Marcos at Senator Bong Go sa Pahayag survey na isinagawa ng Publicus Asia Inc. para sa presidential at vice presidential race.

Nakakuha si Marcos ng 49.3% rating, kasunod si Vice President Leni Robredo na may 21.3% sa hanay ng mga tatakbo sa pagka-presidente.

Pangatlo si Manila Mayor Isko Moreno sa 8.8%, sumunod sina Senador Panfilo Lacson (2.9%), Senador Manny Pacquiao (2.8%) at Senador Ronald dela Rosa (1.9%)

Samantala, sa mga kakandidatong bise presidente, may 23.6% rating si Go, sumunod si Doc Willie Ong (19%) at Senate President Tito Sotto (17.3%).

Pang-apat si Senador Kiko Pangilinan sa 12.3%, sumunod si Buhay party-list Rep. Lito Atienza (2.6%).

May kabuuang 1,500 respondents ang sumagot sa isinagawang survey noong October 11 hanggang October 18, 2021.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?