25

By

BBL, tinatrabaho na sa Kamara

Sharing is caring!

Inumpisahan nang talakayin ng mga kongresista ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sa unang deliberasyon ng House Committees on Local Government, Muslim Affairs at Peace, Reconciliation and Unity, napagdesisyunang bumuo ng sub-committee na magko-consolidate sa apat na bills para sa BBL at pagbuwag sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ang House Bills 6475, 92, 6121 at 6263 ay iniakda nina House Speaker Pantaleon Alvarez, Deputy Speaker Bai Sandra Sinsuat Sema (Maguindanao), Rep. Gloria Macapagal-Arroyo (Pampanga) at Rep. Muhamad Khalid Dimaporo (Lanao del Norte).

Ayon kay South Cotabato Rep. Pedro Acharon, chairman ng local government committee, layon ng panukala na gawing flexible ang awtonomiya ng rehiyon ng Mindanao na may malawak na kapangyarihan sa pulitika, ekonomiya at pananalapi.

“This is to accord the people in the Autonomous Region of Muslim Mindanao the opportunity to chart their own future within the ambit of our Constitution,” sabi ni Acharon.

Iginiit naman ni Tawi-Tawi Rep. Ruby Sahali, chairperson ng committee on peace, reconciliation and unity, na kailangan ang pagpapatibay sa BBL para maresolba ang Bangsamoro conflict at makamit ang hangaring kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao at sa buong bansa.

“Let us make sure that the law we’re going to legislate will be all-inclusive, meaning all the peoples’ rights within the Bangsamoro will be upheld, our dignity and cultures will be preserved and will remain intact,” pahayag ni Sahali.

Sa panig ni Lanao del Sur Rep. Mauyag Papandayan, chairman ng committee on Muslim Affairs, ang pagtatatag ng Bangsamoro political entity ang nakikitang sagot sa matagal nang panawagan ng Bangsamoro people para sa makatotohanan at makabuluhang pamamahala na salig sa kanilang kasaysayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?