4

By

BBL sesertipikahang ‘urgent’ ni Duterte – Roque

Sharing is caring!

Sesertipikahang ‘urgent’ Pangulong Rodrigo Duterte ang Bangsamoro Basic Law (BBL) para maipasa ito sa lalong madaling panahon.

Ang BBL ay matagal ng nakahain sa Kongreso subalit hindi pa rin nakakalusot simula noong nakalipas na administrasyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na may napagkasunduan ang Pangulo at mga mambabatas na maipapasa ito bago magtapos ang kasalukuyang buwan kaya’t aasahang aaksiyuna ito ng mga mambabatas.

“The President promised to certify it. I cannot absolutely guarantee that the version of the House will be certified, because I haven’t seen the text. But if it is in conformity with what was agreed upon, then there should be no problem. The President should certify it.. Basta ise-certify as urgent na ‘yan, eh pupuwede nang mapabilis ang pagpasa nitong BBL,” ani Roque.

Matatandaang sa isa sa mga talumpati ng Pangulo ay inihayag nitong magre-resign kapag hindi naipasa ang BBL bago magtapos ang buwan ng Mayo.

Naipangako aniya nito ang BBL sa mga lider sa Mindanao na magiging susi para magkasundo ang magkakalabang grupo sa rehiyon.

Kapag nakalusot ang BBL ay bubuwagin na ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?