27

Jul 11, 2018 @ 16:35
By

BBL posibleng mapirmahan sa SONA – Fariñas

Handa na umano ang Kamara sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 23.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, bukod sa SONA ay pinaghahandaan din ng mababang kapulungan ang posibleng paglagda ni Duterte sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

“Ready na kami lahat ng coordination. Namarka na namin kung hanggang saan lang kayo (media) ….security in place, inaayos na programa, invitation pinaghahandaan din namin,” ani Fariñas.

Kung mararatipikahan ng Senado at Kamara ang BBL sa unang araw ng sesyon sa umaga sa Hulyo 23 ay posible aniyang mapirmahan na rin ito ng Pangulo sa parehong araw.

“Baka maging historic ito, baka mapirmahan ang BBL on that SONA (day) …kailangan mapaghandaan lahat saan gagawin ang signing. Iyan ba ay after SONA o before SONA, ‘yan ang mga inaayos namin ngayon. Inaayos din namin ang BBL,” sabi ni Fariñas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?