37

Nov 28, 2017 @ 14:53
By

BBL malabong aprubahan sa Senado ngayong taon – Sotto

Sinabi rin ni Senate majority leader Tito Sotto III na malabo nilang maaprubahan ang Bangsamoro Basic Law dahil abala pa sila sa paghimay sa panukalang pambansang budget para sa 2010 at sa tax reform bill.

Masalimuot din aniya ang panukalang batas na may 289 na seksyon kaya maumpisahan man nila itong talakayin sa kumite hanggang sa plenaryo ngayong Disyembre, imposible pa rin itong maisabatas sa lalong madaling panahon.

“BBL even with a special session is not possible because hearings alone on 289 sections will take more than a month,” sabi ni Sotto.

“Even if we work on Christmas day and New Year’s day, it will not be done this year. First quarter next year is more possible,” dagdag pa nito. Isaac Mendez

Sa dinaluhang Bangsamoro Assembly sa Sultan Kudarat nitong Lunes, sinabi ng pangulo na magpapatawag siya ng special session ng onggreso para mapakinggan ang hinaing ng mga Moro.

Hindi naman niya sinabi kung kailan siya magpapatawag ng special session.

Ipinaliwanag ni Senador Chiz Escudero na diskarte ng pangulo ang pagpapatawag ng special session pero hindi niya ito puwedeng gawin ngayon.

Naka-sesyon ang Senado at Kamara at nakasaad sa Konstitusyon na maari lang magpatawag ng special session kapag naka-recess nakabakasyon ang dalawang kapulungan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?