15

By

BBL, lusot sa 2 komite ng Kamara

Sharing is caring!

Aprubado ng dalawang komite ng Kamara ang House Bill 6475 na naglalayong magkaroon ng Bangsamoro Basic Law (BBL) at buwagin ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sa House Committee on Muslim Affairs, 5-3 ang resulta ng botohan habang 6-4 naman sa Special Committee on Peace, Reconciliation and Unity nang aprubahan ang mosyon na ipasa ang BBL version na nagpapanatili sa lahat ng mga probisyon nito.

Pero ibinasura ng ikatlong komite, ang Committee on Local Government, ang mosyon sa botong 1-9.

Inihain ni Speaker Pantaleon Alvarez ang panukala base sa rekomendasyon ng Bangsamoro Transition Commission kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang HB 6475 ay isa lamang sa apat na mga panukalang BBL na naihain sa Kamara. Ang tatlo pa ay ang House Bills 92, 6121, 6263 na iniakda nina Maguindanao Representative Bai Sandra Sema, Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo at Lanao del Norte Representative Mohamad Khalid Dimaporo.

Magpupulong pa muli ang mga komite sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo 15 para aprubahan ang committee report.

Layon ng BBL na magtatag ng Bangsamoro Region sa Mindanao na papalit sa bubuwaging ARMM.

Sa ilalim ng panukala, mananatiling parte ng Pilipinas ang Bangsamoro territory. Mananatili rin ang kapangyarihan at kontrol ng central government sa defense at external security.

Ang central government ay matatatag ng Bangsamoro Military Command ng Armed Forces of the Philippines. Lilikha rin ng Bangsamoro Police na magpapatupad at magpapanatili ng peace and order sa rehiyon, at magiging parte ito ng Philippine National Police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?