55
bbl
By

BBL, kukuwestyunin sa SC kapag ipinasa ng walang amiyenda – Lobregat

Sharing is caring!

Nagbanta si Zamboanga City Rep. Celso Lobregat na dudulog sila sa Korte Suprema sa sandaling ipasa ng Kamara ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) nang walang pagbabago.

Sinabi ito ni Lobregat matapos aprubahan ng House Committee on Local Government, Committee on Muslim Affairs, at Special Committee on Peace, Unity and Reconciliation ang committee report para sa House Bill 6475 o BBL bill.

Nailusot ito sa kabila ng apela ng ilang kongresista, kasama na si Lobregat, na magkaroon muna ng amyenda sa nasabing panukala.

Giit ng kongresista, maraming constitutional issues ang ipinasang BBL proposal na hindi maaaring basta balewalain.

Umaasa si Lobregat na pakikinggan ng liderato ng Kamara ang kanilang panawagan at payagan na makapagsingit ng amiyenda sa BBL kapag tinalakay ito sa causus at sa plenaryo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?