bbl4
By

BBL, kayang pagtibayin sa susunod na linggo – Alvarez, Fariñas

Sharing is caring!

Kumpiyansa ang liderato ng Kamara na mapagtitibay ng kapulungan hanggang ikatlo at pinal na pagbasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa susunod na linggo.


Kapwa ito tiniyak nina Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Leader Rodolfo Fariñas.


Nakipagpulong ang mga lider ng Kamara sa mga bumubuo ng Bangsamoro Transition Commission (BTC), kasama sina Philippine National Police Chief Oscar Albayalde at Armed Force of the Philippines Chief of Staff Carlito Galvez Jr., pati ang mga lider ng Moro Islamic Liberation Front.

Ayon kay Fariñas, humirit ang grupo hanggang Lunes para sagutin ang mga panukalang amyenda sa BBL.

“The BTC will bring the proposed amendments to its principals and will come back to us on Monday. We will have the caucus after I get their reaction,” ani Fariñas.

Tumanggi ang majority leader na tukuyin ang detalye ng mga panukalang amyenda na nakaka-antala sa proseso.

Sa kabila nito’y tiniyak nina Fariñas at Alvarez na magagawa nilang isalang ang BBL sa ikalawa, ikatlo at huling pagbasa bago ang adjournment sine die sa susunod na linggo.


“Aabot iyan [sa approval]. Basta aabot. The BTC asks for three days para makipag-usap [sa kanilang principals] para sa amendments sa provisions. Tingin ko magkakaayos naman,” sabi ni Alvarez.

Una nang sinabi ng Speaker na hihilingin niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahan ang BBL bilang urgent bill.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?