33

By

BBL isasalang na sa bicam

Sisimulan na bukas (July 9) ng bicameral conference committee ang pagtalakay sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Pamumunuan ni Majority Leader Rodolfo Fariñas ang 20-man House panel habang si Senator Juan Miguel Zubiri naman ang mamumuno sa mga kinatawan ng Senado.

Inaasahang magiging mahigpit ang debate sa bicam para sa BBL na tatagal ng isang linggo.

Paliwanag ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, miyembro ng House panel, merong dalawang bersyon ng BBL kaya kailangang himayin ang bawat isyu sa ilang partikular na probisyon ng panukala.

“We have the two versions of the BBL–the Senate version and the Congress (House) version. During the Bicam meeting, we will deliberate on each issue and concerns on certain provisions of the law and come up with a unified version that will hopefully be ratified come July 23,” ani Pimentel.

Layon ng panukala na buwagin ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at palitan ito ng bagong Bangsamoro region.

Nakapaloob sa BBL ang kasunduan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nabuo noon pang panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?