152
juan-miguel-zubiri
Apr 3, 2018 @ 20:45
By

BBL iraratsada sa Mayo – Zubiri

Siniguro ni Senador Juan Miguel Zubiri na aapurahin nila sa Senado sa darating na Mayo ang mga debate at ang pag-aprub sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sa ngayon, bakasyon ang Senado at Kamara at sa Mayo 14 na ang kanilang balik sa regular na sesyon.

Ayon kay Zubiri na chairman ng Senate subcommittee on the BBL, pagbalik nila sa sesyon, aarangkada agad ang plenary debates ukol sa panukala at puntirya niyang mapaaprubahan ito sa plenaryo hanggang sa Mayo 23.

Ngayon pa lang, umaapela na si Zubiri sa mga kapwa senador na makipagtulungan sa paghimay sa BBL at pagtuunan na ito ay armas tungo sa kapayapaan hindi lang ng Muslim Mindanao kundi ng buong bansa.

Ang pag-aapura rito ay tugon sa pagmamadali ni Pangulong Duterte na maisabatas ang BBL dahil ipinangako niya ito sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at iba pang muslim groups sa Mindanao.

Natanggap ni Zubiri ang kopyang sulat ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) kay Senate President Koko Pimentel kung saan inaabiso na ipinamamadali ng pangulo ang BBL.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?