bbl3
By

BBL, ihihirit na sertipikahan bilang ‘urgent’

Sharing is caring!

Hihilingin ng liderato ng Kamara kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahan bilang “urgent bill” ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, kakausapin niya ang Presidente hinggil dito.


Target ng Kamara na maipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang BBL bago ang sine die adjournment sa katapusan ng buwan.


Tiwala si Alvarez na maaaprubahan ang BBL bago matapos ang second regular session pero hindi na nila inaasahang malalagdaan ito ng Pangulo bilang batas bago ang kanyang State of the Nation Address (SONA).


Nagdaos ngayon ng all-member caucus ang Kamara para simulang plantsahin ang mga isyung hindi napagkakasunduan sa BBL, at bukas ay makikipagpulong naman sila sa Bangsamoro Transition Commission.

“Bukas mag-uusap pa kami with BTC (Bangsamoro Transition Commission) and then tingnan namin kung ‘yung mga ni-raised na concerns kung paano i-address. Kinakailangan kasama rin sila para hindi na masyadong may problema sa plenary,” sabi ni Alvarez.

“Basta tapusin namin ‘yan bago kami mag-break… sine die,” dagdag ng Speaker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?