51

Nov 28, 2017 @ 14:45
By

BBL hindi puwedeng apurahin sa Senado – Koko

Imposible umanong maapura ng Senado ang pagtalakay at pag-aprub sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) hanggang Disyembre kahit magpatawag si Pangulong Duterte ng special session ng Kongreso.

Sinabi ni Senate President Koko Pimentel, kaalyado ng pangulo at kasamahan sa PDP laban, na wala pa silang matatalakay na BBL sa plenary ssessions dahil nakabimbin pa ang panukala sa committee on local government na pinamumunuan ni Senador Sonny Angara.

Hindi pa nakakapagpatawag si Angara ng kahit isang pagdinig dahil abala sa pagtatanggol sa plenaryo ng tax reform bill na ipinamamadali rin ng Malacanang.

Nito rin lamang Nobyembre 6 inihain ni Pimentel ang panukalang BBL. Hindi pa gumalaw mula noon ang panukala.

“Kailangan pang magpatawag ni Sen. Angara ng mga committee hearing,” ayon kay Pimentel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?