0
views

By

BBL, halos tapos na – Zubiri

Sharing is caring!

May ilan na lang umanong pinaplantsa ang bicameral conference committee at 99 porsiyento nang tapos ang consolidated version ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon sa panayam sa DWIZ kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, sa kabila nito ay ayaw umano nilang madaliin ang pinagsamang bersiyon ng Kamara at Senado ng BBL.

“Hindi po namin puwedeng madaliin ito dahil ito po ay magiging Konstitusyon,” sabi ng senador.

Aniya, binubusisi nilang mabuti ang lahat ng articles para masiguro na walang maling nailagay at kaya umano natagalan ito ay dahil tiniyak nila na sumusunod ito sa batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?