37

Nov 5, 2018 @ 19:30
By

BBL, frequency ng ikatlong telco hahatulan sa pagbabalik-sesyon ng SC

Balik-sesyon na ngayong linggo ang mga mahistrado ng Korte Suprema matapos ang decision-making break na nag-umpisa noong October 22.

Batay sa schedule ng Korte Suprema, balik sa en banc session ang mga mahistrado bukas para talakayin ang mga nakabinbing petisyon at sa mga posibleng isasampang petisyon kaugnay ng kandidatura ng mga tatakbo sa May 2019 midterm election na madedesisyunan ng Commission on Elections (Comelec).

Kabilang naman sa inaasahang reresulbahin ng Supreme Court En Banc bukas ang petisyon ni dating Sulu Governor Abdusakur Tan kontra sa Bangsamoro Basic Law.

Kanina ay isinalang na sa raffle ang nasabing petisyon para malaman kung sinong mahistrado ang magpoponente ng desisyon.

Inaabangan din ang pasya ng Korte Suprema sa petisyon kontra sa kasunduang pinasok ng PLDT at Globe kaugnay ng paggamit ng frequency mula sa San Miguel Corporation dahil mawawalan na ng frequency ang papasok na ikatlong telco player.

Napapanahon ang nasabing petisyon dahil sa Miyerkoles na inaasahang inaanunsyo ng pamahalaan ang winning bidder para sa third telco sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?