27

Apr 1, 2020 @ 13:37
By

Bb. Pilipinas tutulong sa mga pamilyang Pinoy

Dahil tigil muna ang mga aktibidades ng Binibining Pilipinas dahil sa enhanced community quarantine dulot ng COVID-19 crisis, ang organisasyon ay naglunsad ng donation drive.

Kasama ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated ang Araneta City at J. Amado Araneta Foundation sa “TogetherWeHeal” donation drive.

Ang donation drive na ito ay naglalayon na magbigay-tulong sa mga pamilyang Pinoy sa Metro Manila na apektado ng enhanced community quarantine.

Sa lahat ng gustong makiisa, maaaring pumunta sa site na ito: bit.ly/AranetaDonationDrive .

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?