586

Jun 10, 2020 @ 16:51

BB kay Vice: Swerte ka sumikat ka dahil bobita ka!

Nagsalita na ang transgender YouTuber na si BB Gandanghari sa mga natanggap niyang atake nang iwanan niya ang dating identity bilang Rustom Padilla.

Matatandaang ilan sa hiningan ng opinyon ukol sa transition ni BB, at pagbabalik-bansa niya noong 2009, ay sina Vice Ganda at beauty expert Ricky Reyes. Parehong ‘di sang-ayon ang 2 sa pagbabagong-anyo ng nauna.

“Super love ko ‘yung Rustom–‘yung buhay na Rustom bago pa pinatay. Hindi siya proud na bading siya, si Rustom nag-bakla, pero hindi na kasi siya si Rustom e; siya si BB na babae,” sey pa noon ni Vice sa ulat ng TV Patrol.

“Nag-modeling school sa New York yata. Bakit, magmomodela? Ngayon siya magmomodela, e nasa 40s [na siya]! Parang medyo may edad na. Hindi naman pangit si BB noh, although may kabaduyan. Feeling ko, mahal yung mga sinuot. Na-mismatch lang.”

“Mas maganda siguro kung poginghari o gandangreyna,” wika niya pa noon.

Matapos ang higit 1 dekada, Hunyo 7, 2020, napagdesisyunan ni BB na panahon na para magsalita ukol sa aniya’y “bashes na tinanggap ko [mula sa] mga plastikadang tao.”

Sinabi niya sa isang YouTube video na sinakyan umano ni Vice, noo’y stand-up comedian pa lang, ang isyu ng pagpapakilala niya sa madla.

“There’s a time to be quiet, and there’s a time to speak. And I think, it’s time to speak … ‘Yan ‘yung mga sinasabi ko noon na tinatanggap ng isang indibidwal na kagaya ko, who happens to be transgender, and unfortunately it is coming from the LGBTQ community!,” sey ng US-based vlogger.

“E kung babalikan n’yo ‘yung panahon na ‘yan, hindi pa siya Vice Ganda niyan. Sumasakay, kasi ito yung panahon na ang balita, ang sensation noon si BB Gandanghari. ‘Yan ‘yung sumasakay, at gumamit ng mga hurtful words. Walang pinagkaiba sa mga haters, sa mga trollers. Isa naman siya dun, doon siya nanggaling, ‘yun ang ikinasikat niya. Ako ang itinroll niya, at ngayon, magmamaganda!”

“The nerve! The nerve from the LGBTQ community. Ayaw mong tanggapin pagkababae ko? Kukuwestiyunin mo? Walang sense! Maswerte ka, sumikat ka, dahil bobita ka!”

Binansagan din niya ang ngayo’y “It’s Showtime” host na isang “bangaw,” o isang uri ng malaki at luntiang langaw.

“Ta’s ‘yung isa, love daw niya si Rustom. Care ko naman kung love mo si Rustom? E fan ka. Okay fan ka, but does that mean [na] meron kang opinyon kay Rustom?”

“Sa’n ka ba lumaki? ‘Rastom’ talaga, ‘Rastom’? Sosyal!,” ironic niya pang sey sabay tawa.

“Pwede naman manahimik, e tingnan n’yo naman: nagpa-interview pa sa TV Patrol para i-bash lang ako. Ka-cheap-an! Para sumikat, e in fair, sumikat naman siya.”

“Isang malaking bangaw. ‘Di ba, may isang sumikat na bangaw? Imagine ninyo, ang Pilipinas, ganun na bumaba ang integridad ng pag-aartista sa Pilipinas, bangaw talaga ‘yung sumikat.”

“Sumakay sa BB Gandanghari, tapos pinagkaisahan na ako ng istasyon para mai-push siya [Vice] nang bonggang-bongga,” dagdag pa ni BB.

Sumagot na rin siya sa pagkuwestiyon ni Vice sa kagustuhan ni BB na magmodelo noong 40’s niya.

Samantala, tinawag niya ring “hipokrita” si Mother Ricky at hinamon na “tumingin ka sa salamin at tingnan mo ngayon sino ang mukhang unggoy sa’ting dalawa.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?