993

Dec 8, 2017 @ 8:42

BB Gandanghari Uber driver na sa US – Robin

May bago nang career na si BB Gandanghari sa US kung saan isa na isyang Uber driver doon, ayon sa kapatid nitong si Robin Padilla.

“Nandoon siya sa America nakikipagsapalaran. Uber driver siya doon, ” pagbabahagi ni Robin sa programang “Magandang Buhay” sa ABS-CBN.

Ayon sa aktor, maayos naman ang kalagayan ni BB sa US subalit kinakabahan umano siya sa bago niyang trabaho dahil kung saang sulok ng Amerika ito napupunta

“Nagko-cross country siya para sa mga hindi niya kilala. Okay na okay si BB,” saad pa nito.

Si Rustom ay hunk at hearthrob noong dekada 90 at naging matagumpay ang tambalan nila noon ng young star na si Carmina Villaroel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?