74

Jan 18, 2021 @ 20:24
By

BB Gandanghari nanghihinayang ‘di nakausap si Royette bago pumanaw

Itinuturing na “biggest regret” ni BB Gandanghari ang hindi niya pagkausap sa kapatid niyang si Royette bago pumanaw.

Sa kanyang vlog, sinabi ni BB Gandanghari na ginusto niyang makausap at makakwentuhan ang kapatid.


“Hindi mo na maitatanong – I wanted to talk to you before Christmas. I thought kagaya ko dito na mag-isa, baka kailangan mo lang ng kausap, kakwentuhan, katawanan. Nasabi ko sa sarili ko baka hindi na ako matatakot sa ‘yo na tawagan ka kasi malayo ako dito. Ito biruan na lang, pero hindi mo ako mauutangan kasi wala akong pera. Baka ako mag-utang sa ‘yo,” aniya sa naturang vlog.

Nanghingi rin siya ng tawad sa kapatid.

“Kung meron man akong gustong sabihin sa ‘yo more than anything else, kung meron man akong pwedeng ihingi ng tawad sa ‘yo, kung at one point naparamdam ko sa ‘yo ang rejection or somehow parang ayaw kong makipag-communicate, sana mapatawad mo ako,” sambit niya.

Aniya, maaalala niya si Royette bilang isang “loyal brother.”

Hiling din niya na mahanap na ng kanyang utol ang kapayapaan.

“Alam ko ‘yun sa puso ko. So let me remember you as my loyal brother, as a protective brother. Hindi ka perpekto, marami kang pagkakamali. Sino ba ang wala? Pero sana in your journey now, in your deep sleep, may you find rest. May you find peace,” sambit niya.

Enero 9 nang sumakabilang-buhay si Royette sa edad na 58 dahil sa atake sa puso.

Napanood si Royette sa mga pelikulang “Mistah” noong 1994, “Buhay Kamao” noong 2001 at “Alab ng Lahi noong” 2003.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?