bb-gandang-hari
By

BB Gandanghari nag-alsahan ang mga buto sa kapayatan

Sharing is caring!

Itinuloy na nga ni BB Gandanghari ang sinasabi niyang “kailangan nyang umaksyon” sa kanyang pinapangarap na Hollywood career kung ayaw niyang mapag-iwanan,  umuwi ng Pinas o maging poor sa Los Angeles.
Pinoste na ni Bb.ang sinasabi niyang “headshot” na importanteng requirement para magkaroon ng agency na magma-market sa kanya sa ninanais niyang acting project.
Nakapaskil sa Instagram wall ni Bb.ang iba’t-ibang photo mood head shots para ipakita ang facial reactions flexibility nya.
Walang nakapatong na make-up sa mga shots na ito ni Bb.  Naka-banat ang buhok niya sa likod at expose ang kanyang balikat.
Kung payat si Bb. noong nandito pa siya sa Pinas, mas payat pa ang transgender actor base sa mga larawan nya sa IG.
Halos mag-alsahan ang mga buto ni Bb. sa balikat at triceps sa porma nang pagkapayat nito.
Sinasabi naman noon ni Bb. sa amin nong nandito pa siya sa Pinas na kailangang maging size-1 clothes na kinukunsiderang small sa ladies.
Noong nagmu-modelo pa si Bb. sa New York, ayon sa kanya mas malaki ang chance ng isang Androgenous model kung ang size niya sa ladies ay “1”.
Kung sabagay, marami talagang mga Hollywood actress na kaparehas nang edad ni Bb. ang mas payat pa sa kanya.  Ito ang ‘in’ sa Hollywood lalo na sa mga established mature actors.
Isa sa mga nagparamdam ng support at favorable comments sa posting na ito ni Bb ay si Sharon Cuneta.
Gandang-ganda at gustung-gusto ni Sharon ang head shots na ito ni Bb.  At sinasabi nga nang megastar na lahat ng gusto at inaasam nang transgender actor para sa kanyang Hollywood career ay aayon sa kanyang plano.
Sana nga ay makakuha na nang project si Bb, commercial man, TV series o pelikula sa Hollywood.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?