65

Jan 12, 2022 @ 11:33
By

‘Bazinga’ ng SB19 tuloy ang arangkada sa Billboard

Sa ikalimang sunod na linggo, hawak pa rin ng awiting ‘Bazinga’ ng SB19 ang unang pwesto sa Hot Trending Songs chart ng Billboard.

Batay sa huling edisyon ng chart na inilabas ngayong Miyerkoles, dinaig pa ng Bazinga ang kantang ‘Butter’ ng BTS na nasa ikalawang pwesto, at ang kantang ‘Fly Away’ ni Dimash na nasa ikatlong pwesto.

Unang hinawakan ng Bazinga ang manibela ng naturang chart noong unang linggo ng Disyembre, matapos itong makakuha ng 1.5 milyon Twitter mention sa loob lamang ng isang linggo.

Sa Hot Trending Song chart ng Billboard, iraranggo ang mga kanta na pinaka-pinagusapan sa Twitter sa loob ng isang linggo.

Ang SB19 ay isang Pinoy boy band na binubuo ng limang miyembro na nagsimula noong 2018. (MJD)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?