80

Nov 7, 2021 @ 10:04
By

‘Bazinga’ ng SB19 pasok sa listahan ng Hot Trending Song

Umarangkada ang SB19 sa Billboard’s Hot Trending Songs chart sa kanilang pinakabagong single na “Bazinga.”

Matapos ilabas ang nasabing kanta, napasama ito sa Billboard’s Hot Trending Songs noong Huwebes, na nasa ika-15 na pwesto sa loob ng 24 na oras.

Sumikat ang kanta sa paglabas ng music video nito, na mula noon ay umabot na sa 1 milyong view sa YouTube.

Nominado rin ang SB19 bilang Best Southeast Asia Act, kasama sina Lyodra ng Indonesia, K-ICM ng Vietnam, Ink Waruntorn ng Thailand, Naim Daniel ng Malaysia, at JJ Lin ng Singapore. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?