41

Oct 6, 2017 @ 18:18

Bayron supporters nagbarikada

Nasa pang-limang araw na ngayon ang pagbabarikada ng mga taga-suporta ni Mayor Lucilo Bayron sa palibot ng City Hall ng Puerto Princesa sa Palawan.

Ito ay kasunod ng order ni acting Department of the Interior and Local Government Secretary Catalino Cuy sa DILG Region 4B na i-serve ang kautusan ng Ombudsman na nagpapatanggal kay Bayron sa pwesto dahil sa kasong `serious dishonesty’.

Lunes palang umano ay nasa city hall na ang aabot sa halos 1,000 taga-suporta ni Bayron para pigilan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Region 4B at mga pulisya sa pag-serve ng kanilang order.

Nitong Miyerkules, may ilang dump truck rin na hinarang sa main gate ng munisipyo  at ilang barikadang plastic naman sa likod.  Tinitingnang  mabuti ng mga tauhan ng munisipyo ang mga pumapasok sa  city hall para hindi malusutan ng mga taga-DILG.

Sinabi naman ni Mayor Bayron sa kanyang mga taga-suporta na hindi niya papansinin ang nasabing order at naniniwala siyang iaabsuweltado  siya ng Court of Appeals sa nasabing kaso.(Paul Jaysent Fos)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?