1,756

Aug 30, 2018 @ 20:30
By

Bayaw ni VP Leni, tagadala ng droga sa Naga – Digong

Pinanindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naunang pahayag na ang Naga City ay hotbed ng shabu sa Bicol region.

Sa kabila ito nang taliwas na pahayag ng Philippine National Police (PNP) matapos umalma ang mga opisyal ng lungsod sa bansag ng Presidente na hotbed of shabu.

Sa kanyang talumpati sa 49th Charter Day celebration ng Mandaue City, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya babaguhin ang naunang pahayag sa Naga City.

Katunayan aniya ay ang bayaw ni Vice-President Leni Robredo ang nagdala ng iligal na droga sa lungsod.

“I standby my word that Naga City is the hotbed of Shabu. Yung brother-in-law ng Vice-President ang nagdala ng droga,” anang Pangulo.

Kinatigan ni Naga City Councilor Luis Ortega ang naging pahayag ng Pangulo na hotbed ng shabu ang kanilang lungsod at ang kapatid umano ni dating DILG secretary Jesse Robredo ang isa sa source ng illegal na droga.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na dapat lamang na maimbestigahan ang bintang para matukoy ang katotohanan hinggil dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?