42

By

Bayaw, 2 gabinete ni Noy iimbestigahan sa right-of-way scam

Sharing is caring!

Magpapatawag si Sen. Manny Pacquiao ng pagdinig kaugnay ng tinaguriang right-of-way (ROW) scam kung saan nalusaw umano ang P8.7 bilyong pondo buhat sa gobyerno.

Ayon kay Pacquiao na chairman ng Senate committee on public works, ipatatawag niya ang mga inaakusahan sa ROW scam na sina dating Budget Secretary Butch Abad, dating Public Works Secretary Rogelino Singson at ang bayaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino na si Eldon Cruz.

Ang tatlo ay pinaratangan ng isang Roberto Catapang Jr. na nagsabawatan para magbayad ang gobyerno sa right-of-way ng infrastructure projects na diumano ay ginamitan ng mga pekeng titulo.

“Padadalhan ng invitation yung tatlo. Kailangan may managot. Marami sila. Sa atin, hindi tayo namemersonal kundi yan ang trabaho natin as legislators, as government official, kapag may corruption, kailangan ihinto natin,” pahayag ni Pacquiao.

Kaugnay nito, inihain ni Pacquiao ang Resolution No. 561 kung saan ipinabubusisi ang diumano ay mali sa sistema sa pagbili ng road right-of-way kaya may nakapagsasamantala.

Pinatututukan ni Pacquiao ang ROW scam diumano sa kaniyang hometown na General Santos City.

“Nakakagalit. Ayaw ko lang magmura eh. Nakakagalit itong mga,d apat magtigil itong mga ganitong gawain. Sa tingin ko ah, sa tingin ko, GenSan alone pa lang yun, hindi ko alam baka paglabas natin dito, marami na magsulputan. GenSan alone lang yan. Paano sa ibang lugar?” ani Pacquiao sa panayam.

Tumayo rin ang senador sa plenary session kung saan nito sinabi na hindi niya mapapalagpas ang pagsasamantala sa pondo ng gobyerno.

“Hindi ko masikmura ang galawang ganito. Ang perang galing sa buwis ng ordinaryong amamayan napunta lang sa bulsa ng iilang alagad ng gobyerno,” ani Pacquiao. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?