216

Sep 9, 2021 @ 19:38
By

Bayaning sekyu sa San Juan biniyayaan

Pinarangalan ang isang security guard sa San Juan City matapos umano nitong pigilan ang tangkang pagnanakaw ng apat na lalaki sa isang convenience store sa Greenhills noong Biyernes.

Ginawaran ang sekyu na si Roderick Ricafrente nina Mayor Francis Zamora at NCRPO director Police Major Gen. Vicente Danao ng Medalya ng Katangitanging Asal.

Dahil sa kabayanihan ni Ricafrente ay naaresto ang apat na suspek.

Nakatanggap din siya ng pabuyang P10,000 at mga grocery na nagkakahalagang P5,000.

Bukod pa kay Ricafrente, pinarangalan din ni Zamora ang ilang pulis sa San Juan dahil sa kanilang tapat na serbisyo sa lungsod.

Binigyan sila ng lokal na pamahalaan ng tig-P3,000 at isang sakong bigas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?