59
Bayanihan na! Poe mamimigay ng PPE, relief goods sa mga frontliner
Mar 26, 2020 @ 23:51
By

Bayanihan na! Poe mamimigay ng PPE, relief goods sa mga frontliner

Pinasalamatan ni Senador Grace Poe ang mga naging volunteer mula sa iba’t ibang unibersidad sa Metro Manila na tumulong para mag-repack ng mga personal protective equipment at relief good na ipamamahagi sa mga nasa checkpoint at frontline worker.

Pinakita ng senador sa Instagram post ang larawan ng ginawang pag-aayos sa mga alcohol, face mask, at mga de latang pagkain.

Aniya, “Sa ating sariling paraan, kung may pagbabayanihan, sama-sama nating malalagpasan ang krisis na ito. Salamat sa mga volunteers mula sa iba’t ibang unibersidad sa Metro Manila na tumulong sa pag-rerepack ng mga PPE at relief goods na ipapamigay sa mga checkpoint at frontline workers.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?