14

May 21, 2021 @ 15:44
By

Bayanihan 3 inaprub ng House panel

Inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang panukalang P405.6 bilyong Bayanihan to Arise As One o Bayanihan 3.

Ang panukala ay ipadadala sa House Committee on Economic Affairs na siyang magsasapinal ng panukala bago ito ipadadala sa plenaryo para muling isalang sa deliberasyon at aprubahan sa ikalawa at ikatlong pagbasa.

Nakapaloob sa panukala ang pagbibigay ng dalawang tig-P1,000 tulong pinansiyal sa lahat ng Pilipino na nagkakahalaga ng P216 bilyon. Mayroon ding budget para sa wage subsidies at tulong sa mga nawalan ng trabaho.

Sinabi ni House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda, isa sa mga may-akda ng panukala na ito ay hindi stimulus package, kundi isang lifeline package.

Nanawagan naman si House Assistant Minority Leader at Gabriela Rep. Arlene Brosas kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahan ang panukala upang maipasa ito ng Kongreso bago ang sine die adjournment sa Hunyo 5.

“With only two weeks or six session days left, the Palace must make the measure a top priority to aid Filipinos reeling from massive hunger and poverty amid the raging pandemic. Hindi pwedeng hintayin pa ang SONA sa Hulyo para muling talakayin ang ayuda sa mga Pilipino,” sabi ni Brosas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?