11

Apr 14, 2021 @ 16:11
By

‘Bayanihan 3’ hindi sesertipikahang ‘urgent’

Hindi sesertipikahang “urgent” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inilalargang Bayanihan 3 ng Kongreso na tutugon sa problema sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na naglabas na ng pahayag si Finance Secretary Carlos Dominguez na dapat hanapan muna ng pondo bago ipasa ang Bayanihan 3.

Mahalaga aniyang hindi makompromiso ang fiscal deficit ng bansa dahil sa epekto ng COVID pandemic.

“No. We told Congress that together we should identify sources of additional funds for Bayanihan 3 so our fiscal deficit will not exceed the estimates of 8.9% for 2021,” ang text ni Dominguez kay Roque.

Sinabi ng kalihim na ang ginagamit ngayon ng gobyerno sa pagtugon sa epekto ng COVID-19 ay ang nakapaloob na pondo sa 2021 national budget.

Ang pagsusulong ng Bayanihan 3 ay nagmula sa Kongreso at hindi ito hinihingi ng Malacañang.

“Wala pa po akong impormasyon at ang alam ko po ay ang ginagamit natin ngayon ay ang ating budget for 2021,” ani Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?