18

Feb 21, 2021 @ 12:07
By

Bayanihan 3 ‘di na kailangan – NEDA

Sa palagay ni NEDA Acting Secretary Karl Chua, hindi na kailangan ng Bayanihan 3 kung tuluyan nang bubuksan ang ekonomiya ng bansa.

Tinanong kasi siya sa isang panayam kung kailangan pang ipasa ang nasabing ikatlong bersiyon ng Bayanihan pandemic response law.

“In my view, it is not necessary if we will open the economy further,” ani Chua.

“The strongest and most cost-effective way to restore confidence in the economy, consumer confidence, is to open the economy,” dagdag niya.

Pinunto rin ng chief economist ng ‘Pinas na may itinabing “malaking” halaga sa P4.51-trilyong 2021 national budget para sa social protection.

“Bayanihan 3 is no longer urgent so long as we open the economy and use our budget to help those who are in need,” lahad niya pa.

Ang NEDA ang unang nagmungkahi na buksan na ang buong bansa at ilagay ito sa pinakamaluwag na quarantine status, ang modified general community quarantine (MGCQ), simula Marso 1.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pagpapasyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang isyu bukas, Pebrero 22.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?