4

Jul 30, 2020 @ 12:15
By

Bayanihan 2 mini-stimulus package vs. COVID-19 – Angara

Magsisilbing isang mini stimulus package lang ang P140-bilyong pondo para sa Bayanihan 2 sa gitna ng COVID-19, ayon kay Senate finance committee chairperson Sonny Angara.

Sabi ni Angara, napagkasunduna nila ng Department of Finance at iba pang economic managers ng pamahalaan na ipapasa ang Bayanihan 2 bilang mini stimulus.

“The premise is, this will be the first piece of stimulus package, but not the only stimulus. That is where we are coming from,” pahayag ni Angara sa panayam sa ANC.

Bagama’t mas ‘ideal’ aniya ang mas malaking halaga para sa stimulus package, kailangan magpasa ang Kongreso ng isang batas na kailangang paglaanan ng ondo.

“What the economic managers asked us to do is to make it realistic. Otherwise, we will be raising expectations of our people, and there will be no money to finance it,” ani Angara.

“An unfunded mandate would be a shame. This is a matter of what is doable. We also need to be realistic in our expectation, and I doubt it (Bayanihan 2) will go over P200 billion,” dagdag pa nito.

Sa House version ng Bayanihan, naglaan ang mga ito ng P160 bilyon na mataas ng P20 bilyon kumpara sa bersiyon ng Senado.

Ilan sa mga item na pinaglaanan ng pondo ay P50 bilyon para sa micro, small and medium enterprises, P32 bilyon sa cash-for-work program at unemployment assistance, parehong tig-P17 bilyon para sa transportasyon at agrikultura, P10 bilyon sa turismo, P4 bilyon sa smart campus at Technical Educations and Skills Development Authority training at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?