14

Aug 20, 2020 @ 14:31
By

‘Bayanihan 2’ lusot na sa bicam – Angara

Inaprubahan na sa bicameral conference committee ang pinag-isang bersyon ng panukalang Bayanihan to Recover as One o Bayanihan 2, ayon kay Senador Sonny Angara.

“We just adjourned and we hope to ratify later,” pahayag ni Angara sa kanyang mensahe sa mga reporter.

“The total is still [P140 billion] with allotments for various [government] programs to help our affected countrymen and sectors and an additional [P25 billion] standby appropriations,” dagdag pa nito.

Ang Bayanihan 2 bill, ang papalit sa napaso nang Bayanihan to Heal as One Act, ang maglalatag ng response at recovery plan ng gobyerno sa pandemya at maglalaan din ng pondo para sa mga sektor na naapektuhan ng pandemya.

Matapos ang bicam, sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na nagkasundo ang Senado at Kamara para sa tulong sa indutriya ng turismo na aabot sa P10 bilyon.

“Tourism sector got [P10 billion],” sabi ni Drilon.

Sa P10 bilyong stimulus aid sa tourism sector, P6 bilyon ang inilaan sa soft loans Micro, Small and Medium Enterprises at P3 bilyon sa Department of Labor and Employment para sa tourism workers na nawalan ng trabaho.

Isang bilyong piso naman ang ibibigay para sa tourism insfrasctructure ng Department of Public Works and Highways.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?