13

Nov 25, 2021 @ 18:22
By

Bayan sa Aurora province laya na sa COVID-19

Nakalaya na sa COVID-19 ang bayan ng Disalag sa Aurora ayon sa provincial government ng lugar.

Ayon sa datos na inilabas ng provincial health office, simula Nobyembre 13 nakapagtala ang Disalag ng zero active case.

Nananatiling nasa 19 ang bilang ng active case sa Aurora.

Nasa pito ang bilang ng active cases sa Maria Aurora; lima sa Dingalan; tig-dalawa sa Casiguran at Baler; may tig-iisang kaso naman sa Dinalungan, Dipaculao at San Luis.

Nakapagtala ang lalawigan ng 3,633 kaso ng COVID-19 mula nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon.

Gumaling naman ang 3,382 katao habang 232 ang namatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,