By

Bayan Muna sa Palasyo: Wag paasa sa endo!

Sharing is caring!

Pinagsabihan ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate ang Malakanyang na tigilan na ang “wishy washy attitude” o pagiging urong-sulong sa usapin ng ENDO at kontraktuwalisasyon.

“Itigil na sana ng Malacañang ang ‘paasa’ mode nito sa mga manggagawa lalo pa at araw nila bukas. Malacañang should instead just sign the EO drafted by the labor unions or deal with the consequences afterwards,” ani Zarate.

Ginawa ng kongresista ang pahayag matapos sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque na maaari pa ring pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order na tatapos sa endo.

Nagbabala si Zarate na ang pagbalewala sa hiling ng mga manggagawa ay lalo pang makaapekto sa bumababa nang popularidad ng Presidente.

Kasabay nito’y, iginiit rin ng mambabatas na gawing prayoridad ang mga panukalang batas na tunay na nagsusulong para wakasan ang endo at iba pang uri ng kontraktuwalisasyon.

“On Labor day, it would be best for Pres. Duterte to sign the EO drafted by labor unions and set as priority legislation bills like House Bill 7415 that would truly eradicate ENDO not just in the private sector but in the public sector as well,” sabi ni Zarate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?