55
carlos-isagani-zarate
Nov 25, 2021 @ 16:37
By

Bayan Muna: Quiboloy gaya-gaya kay Duterte

Kinondena ng mga kinatawan ng Bayan Muna party-list ang ginawang red-tagging ni Pastor Apollo Quiboloy na ginagamit umano nito upang pagtakpan ang kanyang mga hindi maka-Diyos na gawain.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ginagaya umano ni Quiboloy ang smokescreen tactic na ginagamit ng kaibigan nitong si Pangulong Rodrigo Duterte kapag nababatikos.

“(Duterte’s) so-called spiritual adviser Pastor Apollo C. Quiboloy also engages in similar red-tagging of his perceived critics as a way to also divert attention and serve as a smokescreen for his own anomalies,” sabi ni Zarate.

Ang rekord umano ng Bayan Muna sa Kongreso sa nakalipas na 20 taon ang magpapatunay na isinusulong nito at ipinagtatanggol ang karapatan ng lipunan.

Tinawag namang “hypocrite” ni Rep. Eufemia Cullamat si Quiboloy.

“Sa panahon ngayon, dapat maging maingat at mapagmatyag ang mga tao sa mga bulaang mga propeta, na nakasuot ng damit ng tupa pero sa katotohanan ay mga mapanalasang mga lobo,” sabi ni Cullamat.

Sinabi ni Cullamat na si Quiboloy ay naugnay sa iba’t ibang kaso sa Pilipinas at sa ibang bansa kabilang ang isang kaso kung saan pinatay umano ang isang lider ng indigenous people’s (IP) na tumanggi na ibenta ang kanyang ari-arian sa isang tagasunod ng Pastor.

“But it seems that he is up till now untouchable because of his patron Duterte. We hope that the cases against him in the US and in the Philippines will be expedited and that the victims can attain justice soon,” dagdag pa ni Cullamat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?